isang dipa


naririnig ko ang bulungan,
naamoy ko ang nilulutong tanghalian 
ng aming kapitbahay...
dinig ko rin ang yabag ng mga dagang 
nakatira sa lumang kahoy na pader..

ang mga hiyaw ko'y naging bulong na lang
ang malakas kong pagtawa'y napalitan ng ngiti
ngiti na nagpupumiglas maging tawa..

sa isang dipang bahay.

Comments